Ang Red Velvet - Irene & Seulgi (레드벨벳-아이린&슬기) ay ang unang sub-unit ng Red Velvet, na binubuo nina Irene at Seulgi. Nag-debut sila noong Hulyo 6, 2020, kasama ang mini album na Monster.
Ang kanilang debut ay ipinagpaliban mula Hunyo 15 hanggang Hulyo 6, 2020, sa kadahilanang kailangan nito ng karagdagang produksyon sa album, upang makamit ang mas mataas na kalidad ng musika.[1]
Kasunod ng mga ulat, kinumpirma ng SM Entertainment na ang mga miyembrong sina Seulgi at Irene ay naghahanda na mag-debut sa unang sub unit unit ng mga grupo, na may itinakdang petsa ng debut, para sa Hunyo 15, 2020.[2] Gayunpaman ito ay ipinagpaliban, sa kadahilanang kailangan nito ng karagdagang produksyon sa album, upang makamit ang mas mataas na kalidad ng musika.[3] Noong Hunyo 21, inihayag na magde-debut sila sa Hulyo 6 sa kanilang unang mini album na Monster.[4]
Sina Irene at Seulgi ay may sariling reality show na, Level Up Thrilling Project, na isang spin off show mula sa reality show ng Red Velvet, Level Up Project!. Ang palabas ay kinunan sa Seoul at ipinalabas mula Hulyo 8 hanggang Setyembre 8.[5]
Woollim Entertainment • Baljunso • ESteem • Label SJ • ScreaM Records • MYSTIC Story • KeyEast • Label V • Million Market • All I Know Music • SM Classics Starworld
Nanatili
Mga grupo
TVXQ! • SUPER JUNIOR • Girls' Generation • SHINee • EXO • Red Velvet • NCT • aespa