Si Lucas (루카스) ay isang Tsino-Thai na mang-aawit at rapper sa ilalim ng SM Entertainment. Siya ay miyembro ng boy group na NCT, ang mga sub-unit nito NCT U at WayV, at ang supergroup na SuperM. Isa rin siya sa kalahati ng pre-debut subunit duo ng WayV na WayV-LUCAS&HENDERY.
Noong 2015, na-cast siya sa SM Entertainment sa pamamagitan ng Global Audition ng SM sa Hong Kong. Noong Abril 5, 2017, ipinakilala siya bilang miyembro ng pre-debut training team ng SM na, SMROOKIES, at sa parehong buwan, lumabas siya sa miyembro ng NCT na si Ten sa "Dream In A Dream" music video.
2018–2019: Debut sa NCT, & WayV[]
Noong Enero 2018, Siya kasama Kun, at Jungwoo ay inanunsyo na maging miyembro ng NCT, sa pamamagitan ng NCT 2018 Yearbook. Noong Pebrero 19, 2018, opisyal siyang nag-debut bilang miyembro ng NCT, sa unit na NCT U, sa kantang "Boss".[1] Noong Marso 14, 2018, sumali siya sa unang studio album ng NCT na NCT 2018 Empathy.
Noong Disyembre 31, 2018, na-reveal na miyembro siya ng Chinese sub-unit ng NCT na, WayV[2] na nag-debut noong Enero 17, 2019, kasama ang digital EP na, The Vision.
2019: SuperM[]
Noong Agosto 8, 2019, inanunsyo na magiging miyembro si Lucas ng supergroup na SuperM. Inilabas nila ang kanilang unang self-titled debut mini-album noong Oktubre 4, 2019. Noong Nobyembre 18, 2019, inilabas nila ang pampromosyong single na "Let's Go Everywhere".