Si Jungwoo (정우) ay isang Timog Koreanong mang-aawit sa ilalim ng SM Entertainment. Siya ay miyembro ng boy group na NCT at ang mga sub-unit nito NCT U at NCT 127.
Noong 2014, na-cast siya sa SM Entertainment sa pamamagitan ng SM Weekly Audition.[1] Noong Abril 18, 2017, ipinakilala siya bilang miyembro ng pre-debut training team ng SM, SMROOKIES.[2] Sa parehong buwan, lumabas siya sa Yesung - "Paper Umbrella" na music video, kasama ang dating SMROOKIES trainee na si Koeun.
2018: Debut sa NCT[]
Noong Enero 2018, Siya kasama sina Kun, at Lucas ay inanunsyo na maging miyembro ng NCT, sa pamamagitan ng NCT 2018 Yearbook.
Noong Pebrero 19, 2018, opisyal siyang nag-debut bilang miyembro ng NCT, sa unit na NCT U, kasama ang kantang "Boss".[3] Noong Marso 14, 2018, siya kinuha sa unang studio album ng NCT na NCT 2018 Empathy.
Noong Oktubre 12, 2018, nag-debut siya bilang miyembro ng 2nd unit na, NCT 127, kasama ang kanilang full-album na NCT #127 Regular-Irregular.