Kpop Wiki
Advertisement
Kpop Wiki

Ang 3RACHA (쓰리라차) ay ang producer team ng Stray Kids, isang boy group sa ilalim ng JYP Entertainment. Ang trio ay binubuo nina CB97, SPEARB at J.ONE. Nagsisilbi rin ang team bilang hip-hop unit ng grupo.

Kasaysayan[]

2017: First mixtape, 3Days, Stray Kids at Horizon[]

Noong Enero 18, 2017, in-upload nila ang kanilang unang mixtape na, J:/2017/mixtape, sa SoundCloud, na binubuo ng pitong track. Noong Agosto 16, 2017, nag-upload din sila ng kanilang pangalawang mixtape, 3Days, sa SoundCloud, na binubuo ng siyam na track. Bago ito, sila ay inanunsyo na maging bahagi ng isang survival show ng JYP na pinamagatang Stray Kids.

Inilabas nila ang kanilang ikatlong mixtape, na pinamagatang Horizon, noong Disyembre 20.

2018–2020: Horizon at Stray Kids debut[]

Noong Enero 18, 2018, naglabas ang 3RACHA ng isang kanta na pinamagatang "Start Line" upang ipagdiwang ang kanilang unang taon bilang isang grupo. Noong Marso 26, 2018, nag-debut sila sa Stray Kids.

Inilabas nila ang kantang "Zone" noong Setyembre 9, 2018 bilang bahagi ng serye ng SKZ-Player ng Stray Kids.

Noong Setyembre 14, 2020, inilabas ng Stray Kids ang kanilang repackage album na In Life kung saan kasama ang kanta ng 3RACHA na "We Go" bilang pang-anim na track nito.

2022: "Just Breathe"[]

Ang Japanese rapper at producer na si SKY-HI ay nakipagtulungan sa 3RACHA sa kanyang digital single na "Just Breathe", na inilabas noong Pebrero 21.[1]

Mga miyembro[]

Pangalan Posisyon Taong aktibo
CB97 Leader, Rapper, Vocalist, Producer 2017—kasalukuyan
SPEARB Rapper, Producer 2017—kasalukuyan
J.ONE Vocalist, Rapper, Producer, Maknae 2017—kasalukuyan

Diskograpiya[]

Mga mixtape[]

Iba pang mga inilabas[]

Mga tampok[]

  • SKY-HI - "Just Breathe" (2022)

Mga Sanggunian[]

Mga Opisyal na link[]

Advertisement