Ang 14U (원 포유; binibigkas bilang One For You) ay isang labing-apat na miyembro na boy group sa ilalim ng BG Entertainment. Inilabas nila ang kanilang kauna-unahang single na "Very Very Very" noong Abril 17, 2017, bago ang pasinaya noong Hulyo 22, 2017, sa pamamagitan ng pagdaraos ng kanilang debut stage sa MBC's Music Core para sa kanilang kanta na "VVV".
Kasaysayan[]
2018–2019: "Compass (N.E.W.S)", Pag-alis ni Doyul, bagong miyembro na si Gun, at pagkakawatak-watak[]
Noong Oktubre 30, 2018, inilabas ng 14U ang kanilang pangatlong single album na "Compass (N.E.W.S)". Ito ang kauna-unahang pagbabalik ng pangkat bilang isang labintatlong miyembro na pangkat mula noong hiatus ni Doyul noong Agosto 2018.
Noong Enero 2019, umalis si Doyul sa grupo dahil sa mga personal na dahilan.
Noong Pebrero 11, 2019, ipinakilala ng BG Entertainment ang bagong miyembro na si, Gun, sa kanilang line-up, na binabalik muli ang pangkat sa labing-apat na miyembro[1]
Noong Mayo 13, 2019, kinumpirma ng BG Entertainment na ang grupo ay madidisband na.[2]
Mga Miyembro[]
Pangalan | Posisyon | Taong aktibo |
---|---|---|
Doyul (도율) | Rapper | 2017–Jan. 2019 |
E.Sol (이솔; Habin) | Leader, Vocalist | 2017–2019 |
Luha (루하) | Vocalist | 2017–2019 |
Go Hyeon (고현) | Vocalist | 2017–2019 |
B.S (비에스) | Rapper | 2017–2019 |
Loudi (로우디) | Vocalist, Rapper | 2017–2019 |
Eunjae (은재) | Main Vocalist | 2017–2019 |
Woojoo (우주) | Vocalist | 2017–2019 |
Dohyuk (도혁) | Vocalist | 2017–2019 |
Hyun Woong (현웅) | Rapper | 2017–2019 |
Youngwoong (영웅; Hero) | Vocalist, Rapper | 2017–2019 |
Rio (리오) | Vocalist | 2017–2019 |
Sejin (세진) | Vocalist | 2017–2019 |
Gyeongtae (경태) | Vocalist | 2017–2019 |
Gun (건) | Vocalist | 2019 |
Diskograpiya[]
Mga single na album[]
- "VVV" (2017)
- "Don't Be Pretty" (2018)
- "Compass (N.E.W.S)" (2018)
Mga digital na single[]
- "Very Very Very" (2017)
Mga OST[]
- "The Rich Son OST Part.11" (2018)
Galeriya[]
Mga Sanggunian[]
Mga Opisyal na link[]
- Koreano
- Hapones